Privacy Notice |
|||||||||||||||||||||||||||
BibleProject |
|||||||||||||||||||||||||||
Na-update noong Agosto 2019 |
|||||||||||||||||||||||||||
Introduksyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Ginagalang ng BibleProject ang iyong privacy at nangangakong iingatan ang iyong sensitibong impormasyon. Ang privacy notice ("Privacy Notice") ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng BibleProject at sa mga kasapi nito, mga corporate parent, at mga subsidiary ("BibleProject" sa kabuuan,"kami"," atin"," o "kami") habang ina-access at ginagamit mo ang aming mga website, kasama na ang thebibleproject.com, mga social media channel, mga application at serbisyo (ang "Website" sa kabuuan), at pinamamahalaan at kabilang sa Mga Tuntunin sa Paggamitng BibleProject. |
|||||||||||||||||||||||||||
Personal na Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Gaya ng pagkakagamit sa Privacy Notice na ito, ang ibig sabihin ng "Personal na Impormasyon" ay impormasyon na partikular na kinikilala ang isang indibiduwal (hal. pangalan, address, numero ng telepono, e-mail address, username, o numero ng credit card), o impormasyon tungkol sa indibiduwal na iyon na direktang konektado sa isang impormasyong nagpapakilala sa kaniya. Hindi kasama sa Personal na Impormasyon ang (a) pinagsama-samang impormasyon, na ibig sabihin, ang data na kinukulekta namin sa paggamit mo ng Website, o tungkol sa isang grupo o kategorya ng mga serbisyo o user, kung saan tinanggal ang mga indibiduwal na pagkakakilanlan o iba pang Personal na Impormasyon o (b) impormasyong deidentified na hindi madaling makonekta sa indibidwal. |
|||||||||||||||||||||||||||
Inilalarawan ng Privacy Notice na ito ang paraan ng aming pagkolekta, paggamit, pag-papanatili, pag-iingat, at paghahayag ng iyong Personal na Impormasyon, kasama na ang iyong pakikipag-ugnayan sa BibleProject gamit ang telepono, o sa pamamagitan ng mail o sa personal sa aming mga mga pisikal na lokasyon. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mangyaring basahin nang mabuti ang notice na ito para maunawaan ang aming mga patakaran at paraan na may kinalaman sa iyong impormasyon at kung paano namin ito ginagamit. |
|||||||||||||||||||||||||||
Pahintulot |
|||||||||||||||||||||||||||
Sa pamamagitan ng pag-access sa Website, paggawa ng isang user profile sa Website, pagbisita sa aming studio, o pagpasa ng Personal na Impormasyon sa BibleProject, sumasang-ayon ka sa Privacy Notice na ito at sa pagkolekta at paggamit ng iyong Personal na Impormasyong tinatalakay sa ibaba. Gagawa kami ng mga hakbang para mag-abiso at kumpirmahin sa iyo na sumasang-ayon ka sa iba't ibang mga yugto ng pagkolekta sa iyong Personal na Impormasyon. Kung hindi ka sang-ayon sa aming mga patakaran at paraan, maaaring hindi ka maka-access o makinabang sa ilang bahagi ng Website na ito. |
|||||||||||||||||||||||||||
Saklaw |
|||||||||||||||||||||||||||
Ipinapaalam namin na ang Privacy Notice na ito ay nag-aapply sa impormasyong kinokolekta namin: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Ang Notice na ito ay hindi nag-aapply sa impormasyong nakolekta tungkol sa iyo sa pamamagitan ng mga paraang hindi ginagamit ng BibleProject tulad ng mga mobile application, content, o mga website. |
|||||||||||||||||||||||||||
Legal na Basehan |
|||||||||||||||||||||||||||
Kokolektahin lang namin ang iyong Personal na Impormasyon (a) kung nararapat at may pahintulot o (b) kapag mayroon kaming lehitimong interes na kailangan naming gawin. Kapag kinolekta at ginamit namin ang iyong Personal na Impormasyong naaayon sa iyong pahintulot, ipagbibigay-alam din namin sa iyo kung may mga pagbabago at hihingi muli kami ng iyong pahintulot. |
|||||||||||||||||||||||||||
Privacy Para sa mga Bata |
|||||||||||||||||||||||||||
Kinikilala ng BibleProject na kailangang maglaan ng higit na proteksyon sa privacy na may kaugnay sa Personal na Impormasyon ng mga bata. Hindi namin kinokolekta ang anumang Personal na Impormasyon mula sa mga batang wala pang edad 16 nang walang pahintulot ng kaniyang magulang o guardian. Kung gusto ng isang batang wala pang edad 16 na mag-register sa Website, hihingan ng BibleProject ang magulang o guardian ng bata ng pahintulot para sa registration gamit ang aming email confirmation bago namin i-activate ang registration ng bata. Kung walang matanggap na pahintulot ang BibleProject mula sa magulang o guardian sa loob ng 24 oras matapos gumawa ng registration request ang bata, aalisin namin ang anumang Personal na Impormasyon na ibinigay ng bata sa amin sa kanilang registration request. Kung ikaw ay wala pang edad 16 at hindi pa nakumpleto ng iyong magulang o guardian ang Website registration at proseso sa pagpapahintulot, ipababatid sa iyo ng BibleProject na huwag gamitin ang Website na ito, bumili o mag-donate gamit ang Website, gamitin ang mga interactive o public comment features ng Website, o magbigay ng anumang Personal na Impormasyon sa BibleProject. |
|||||||||||||||||||||||||||
Ang BibleProject ay isang 501(c)(3) nonprofit na korporasyon at hindi kabilang sa Children's Online Privacy Protection Act. Gayunman, pinapahalagahan ng BibleProject ang privacy ng mga bata na maaaring makakuha ng impormasyon sa aming mga content. Ang lahat ng mga probisyon sa Privacy Notice na ito ay nag-aapply sa lahat ng mga user sa website, kasama na ang mga bata. Ang mga batang bumibisita ay dapat na laging sumangguni kasama ng kanilang magulang o guardian bago magbahagi ng impormasyon sa anumang website o mobile application, at hinihimok namin ang mga pamilya na pag-usapan ang kanilang mga household guideline na may kaugnayan sa pagbabahagi ng Personal na Impormasyon online. |
|||||||||||||||||||||||||||
Kung naniniwala ka na ang BibleProject ay maaaring may impormasyon mula sa o tungkol sa isang batang wala pang 16 taong gulang nang walang pahintulot ng magulang o tagapag-alaga, o kung nais mong tingnan o magrequest ng pagtanggal sa anumang Personal na Impormasyon na mayroon ang BibleProject mula sa iyong anak, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa webmaster@jointhebibleproject.como tumawag ng toll free sa (855) 700-9109. |
|||||||||||||||||||||||||||
Kung Paano Namin Kinokolekta at Ginagamit ang Iyong Personal na Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Kapag bumibisita ka sa aming Website o studio, kinokolekta namin ang ilang Personal na Impormasyon mula sa iyo. Kinokolekta namin ang impormasyong ito: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Mangyaring tandaan na ang ilang mga pag-aalok, serbisyo, at bahagi ng aming Website ay maaari mo lamang ma-access kapag nagregister ka sa amin. Maaari mong limitahan ang mga ibinibigay mong impormasyon sa amin sa minimum na kinakilangan mo lang para magamit ang aming mga serbisyo, at puwede ka ringmakipag-ugnayan sa BibleProject anumang oras para baguhin ang impormasyong taglay namin tungkol sa iyo. Mangyaring tandaan na kapag tumanggi kang ibigay sa amin ang iyong Personal na Impormasyon, o kaya ay bawiin ang iyong pahintulot, malamang na hindi kami makakapag-ugnayan sa iyo o maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo. |
|||||||||||||||||||||||||||
Impormasyong Ibinibigay Mo sa Amin. |
|||||||||||||||||||||||||||
Kinokolekta namin ang Personal na Impormasyon nang tuwiran mula sa iyo o sa pamamagitan ng iyong pahintulot kapag bumisita ka sa aming studio o kapag ginamit mo ang aming Website. Maaaring kasama sa Personal na Impormasyong ibibigay mo sa amin ang: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Impormasyong Kinokolekta Namin Sa Pamamagitan ng Automatic Data Collection Technologies. |
|||||||||||||||||||||||||||
Habang nagna-navigate ka at nakikipag-ugnayan sa aming Website, maaari kaming gumamit ng automatic data collection technologies kagaya ng mga website analytics para kolektahin ang ilang mga impormasyon tungkol sa iyong mga kagamitan, pagkilos habang nagba-browse, at mga kaugalian. Kinokolekta namin ang impormasyong ito para makamit ang aming lehitimong interes na mapanatili at mapahusay ang Website at masukat ang aming mga pagsisikap sa outreach at marketing. Kasama sa impormasyong kinokolekta namin sa pamamagitan ng automatic data collection technologies ang: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Ang impormasyong awtomatikong kinokolekta namin ay maaaring isama ang Personal na Impormasyon, o maaari naming panatalihin ang impormasyon o iugnay ito sa mga Personal na Impormasyong kinolekta namin sa ibang mga paraan o natanggap mula sa mga third party. Ang impormasyong ito ay maaaring pagsama-samahin sa iba pang impormasyong tungkol sa mga bumibisita sa aming lugar at traffic. Kung hindi mo nais na kolektahin at gamitin ng BibleProject ang anonymous at teknikal na impormasyong sinasaad sa talatang ito, mangyaring huwag nang gamitin ang Website, o makipag-ugnayan sa amin gaya ng mababasa sa "Pagkontrol sa Iyong Personal na Impormasyon" sa ibaba. |
|||||||||||||||||||||||||||
Impormasyong Kinokolekta Namin Mula sa Ibang Mga Website |
|||||||||||||||||||||||||||
Sinusubaybayan ng BibleProject ang dami ng mga user na bumibisita sa aming Website mula sa mga social networking site (hal. Facebook, Youtube o Twitter) para makamit ang aming kagustuhan na masukat ang pagiging epektibo ng aming mga social media ad at post. Kapag na-access mo ang aming Website mula sa isang social networking site, o kapag pumayag kang iugnay ang iyong account sa amin sa isang social networking site, maaari rin naming makuha ang Personal na Impormasyon tungkol sa iyo mula sa social networking site na iyon. Mangyaring tandaan na ang mga natatanggap naming Personal na Impormasyon sa iyo mula sa mga social media site ay hindi kontrolado o nababantayan ng BP. Anumang katanungan tungkol sa kung paano kinokolekta at pinoproseso ng social media site ang iyong Personal na Impormasyon ay dapat na direktang itawag-pansin sa social media site provider. Maaari naming panatilihin ang impormasyong ito kasama na ang impormasyong nakuha namin nang direkta mula sa iyo. |
|||||||||||||||||||||||||||
Iba Pang Mga Paraan Kung Paano Namin Maaaring Gamitin ang Iyong Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Maaari rin naming gamitin ang Personal na Impormasyong galing sa iyo o tungkol sa iyo: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Maaaring gumamit ang BibleProject ng isang cookie o third party web beacon para kolektahin at suriin ang iyong Personal na Impormasyon o iyong mga aktibidad sa Website (hal. click stream information, uri ng browser, oras at petsa, paksang pinindot o ini-scroll) para makatulong na makilala ang mga advertisement o alok na maaaring makapagbigay ng interes sa iyo. Kung hindi mo nais na gamitin ng BibleProject ang iyong impormasyon upang makapagbigay sa iyo ng content o advertising base sa iyong pag-uugali online, maaaring hindi ka makilahok sa online behavioral advertising sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin sa Hindi Pakikilahok sa Mga Komunikasyon. |
|||||||||||||||||||||||||||
Maaari naming pagsamahin ang impormasyong nakolekta namin mula sa iyo sa pamamagitan ng aming Mga Serbisyo sa iba pang impormasyon tungkol sa iyo na natanggap namin mula sa mga third-party source. Sa pamamagitan ng halimbawa at hindi ng paglilimita, maaari kaming gumamit ng pagbabago ng address o iba pang list na serbisyo upang masiguro ang katiyakan ng aming mga record para iyong account. |
|||||||||||||||||||||||||||
Paghahayag ng Iyong Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Hindi ipagbibili ng BibleProject ang iyong Personal na Impormasyon sa anumang mga third party. Maaari naming ihayag ang Personal na Impormasyong nakolekta namin o na iyong ibinigay gaya ng inilalarawan sa Privacy Notice na ito: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Maaari din naming ihayag ang iyong Personal na Impormasyon: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Pinagsama-samang Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Maaari naming ibahagi ang impormasyong pinagsama-sama o de-identified nang walang restriksyon. Ang impormasyong ibabahagi namin ay hindi magpapakilala sa iyo nang personal. Subalit, posibleng pagsamahin ng mga third party ang impormasyong ito sa iba pang data na taglay nila tungkol sa iyo, o sa natanggap nila mula sa iba pang mga third party, na maaaring magdulot upang makilala ka nila nang personal. |
|||||||||||||||||||||||||||
Pagkontrol sa Iyong Personal na Impormasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Kung ikaw ay naninirahan sa European Union, mayroon kang ilang karagdagang mga karapatan na may kaugnayan sa iyong Personal na Impormasyon. Maaaring gamitin mo ang mga karapatang ito, magpahayag ng ikinakabahala, o kumuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa paggamit ng iyong Personal na Impormasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa amin nang libre sa (855) 700-9109 o sa pamamagitan ng email na webmaster@jointhebibleproject.com. |
|||||||||||||||||||||||||||
Gagawin namin ang iyong kahilingan sa anumang mga karapatang ito sa loob ng 30 araw ng pagtanggap namin ng kumpletong kahilingan. Mayroon ka ring karapatang iwasto ang anumang mali na nasa impormasyon. Mangyaring tandaan na ayon sa batas, kinakailangan ng BibleProject na kumpirmahin ang iyong pagkakakilanlan bago namin gawin ang iyong kahilingan, na maaaring mangahulugan na kukuha kami ng karagdagan pang Personal na Impormasyon mula sa iyo. |
|||||||||||||||||||||||||||
Sa pamamagitan ng pag-liham sa BibleProject 501 SE 14th Avenue Portland, OR 97214 |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Karapatan sa Privacy ng California |
|||||||||||||||||||||||||||
Dahil hindi ino-organisa o pinapatakbo ang BibleProject para sa kita o pinansiyal na pakinabang ng mga shareholder at iba pang may-ari nito, hindi kami kabilang sa pagsunod sa California Consumer Prvacy Act (the "CPPA"; Ca. Mga seksyon ng Civil Code 1798.100 - 1798.199). Gayunman, maaaring kailangan naming sumunod sa CCPA sa ilang mga kontrata namin sa mga service provider at iba pang mga third party. Ang mga user ng aming Website na nakatira sa California ay maaaring magkaroon ng ilang mga karapatang may kaugnayan sa kanilang Personal na Impormasyon, katulad ng karapatan sa (a) pagtanggap ng impormasyong naglalarawan sa mga kategorya ng Personal na Impormasyon tungkol sa iyo na aming nakolekta, at kahit ang impormasyong iyon man ay ibinenta sa isang third party; (b) tumanggap ng listahan ng mga kategorya ng mga third party na aming ibinahagi ang iyong Personal na Impormasyon; (c) ipabatid sa amin na huwag ibenta ang iyong Personal na Impormasyon sa mga third party kapag ibinenta namin iyon; at (d) tumanggap ng pantay na serbisyo kahit hindi mo ginagamit ang iyong karapatan sa privacy. |
|||||||||||||||||||||||||||
Karagdagan pa, ipinapahintulot ng mga seksyon ng California Civil Code 1798.83-1798.84 na ang mga mamamayan ng California ay makahingi sa amin ng isang notice na nagpapakilala sa mga kategorya ng Personal na Impormasyon na aming ibinabahagi sa mga kasapi at/o mga third party para sa mga layuning marketing, at magbibigay ng contact information para sa nasabing mga kasapi at/o third party. |
|||||||||||||||||||||||||||
Kung ikaw ay isang mamamayan ng California at nais mong humiling ng isang isang kopya ng Privacy Notice na ito o gamitin ang iyong mga karapatan sa ilalim ng batas ng California, mangyaring tawagan kami nang libre sa (855) 700-9109 o magpadala sa amin ng email sa webmaster@jointhebibleproject.com nang may paksang "Kahilingan Para sa California Privacy Information." |
|||||||||||||||||||||||||||
Hindi Pakikilahok sa Mga Komunikasyon |
|||||||||||||||||||||||||||
Nais naming makipag-ugnayan sa iyo kung nais mo ring makipag-ugnayan sa amin. Maaari mong baguhin o limitahan ang mga komunikasyong ipinapadala ng BibleProject sa iyo sa pamamagitan ng pagpindot ng "unsubscribe" na link sa ilalim ng alinman sa aming mga email. Maaari ka ring direktang makipag-ugnayan sa amin nang libre sa (855) 700-9109 o sa pamamagitan ng email sa webmaster@jointhebibleproject.com. Mangyaring tiyaking ilagay ang iyong buong pangalan, email address, mailing address, at partikular kung anong impormasyon ang ayaw mong matanggap sa susunod. Kung nais mo, maaari mong gamitin ang isa sa mga mensaheng ito: |
|||||||||||||||||||||||||||
|
|||||||||||||||||||||||||||
Hindi ko nais makatanggap ng mga direktang mail advertisement, katulad ng mga periodic catalog at mailing na may kaugnayan sa mga produkto at serbisyo, mga special promotion, o mga paparating na kaganapan. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Do Not Track Signal |
|||||||||||||||||||||||||||
Ang Do Not Track ay isang privacy preference na maaaring gamitin ng mga user sa kanilang web browser. Kung bubuksan ng isang user ang Do Not Track signal, magpapadala ang browser ng mensahe sa mga website na huwag subaybayan ang user. Para sa impormasyon tungkol sa Do Not Track, bisitahin ang www.allaboutdnt.org. Sa panahong ito, hindi tumutugon ang thebibleproject.com sa mga browser setting o signal ng Do Not Track. Karagdagan pa, maaari kaming gumamit ng ibang teknolohiya na karaniwan sa internet upang subaybayan ang mga bumibisita sa aming mga website. Ang mga kagamitang iyon ay maaari naming gamitin o ng iba pang mga third party para kolektahin ang impormasyon tungkol sa iyo at sa iyong aktibidad sa internet, kahit na binuksan mo ang Do Not Track signal. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Batas sa Privacy ng U.S. |
|||||||||||||||||||||||||||
Ang Website na ito ay pagmamay-ari at pinapatakbo ng Estados Unidos. Kung gagamitin mo ang Website na ito sa labas ng Estados Unidos, anumang impormasyon na nakolekta namin tungkol sa iyo ay ipapadala sa mga server sa loob ng Estados Unidos. Maaaring hindi kasing-higpit ng mga batas sa privacy sa Estados Unidos ang nasa iyong nasasakupan. Sa pamamagitan ng pagkolekta namin ng Personal na Impormasyon tungkol sa iyo, pumapayag kang ilipat at iproseso ang iyong Personal na Impormasyong inilalarawan sa Privacy Notice na ito. |
|||||||||||||||||||||||||||
Seguridad sa Data |
|||||||||||||||||||||||||||
Nagpatupad kami ng mga pamamaraang makatuwiran sa komersyal kapwa online at offline upang ingatan ang iyong Personal na Impormasyon mula sa hindi sinasadyang pagkawala at mula sa mga hindi awtorisadong pag-access, paggamit, pagbabago, at pagpapahayag. Nagpapanatili kami ng mga pamamaraang seguridad sa pisikal, elektronic, at procedural upang ingatan ang iyong pribadong Personal na Impormasyon. Kasama sa mga pag-iingat na ito ang paglilimita sa aming in-house storage ng iyong Personal na Impormasyon tungo sa Contact Information, at pag-iingat sa data na may kasamang industry standard encryption. Ang mga impormasyon sa pagbabayad at pinansiyal ay pinamamahalaan ng isang Payment Card Industry Data Security Standard compliant hosting provider. Ipinapadala namin ang ibang Personal na Impormasyon sa isang service provider na nakaaabot sa international security standards sa pamamagitan ng secure token na itatago at pananatilihin ng service provider na iyon. Binabago at sinusubok namin ang aming teknolohiya upang mas mapahusay ang pag-iingat sa impormasyon tungkol sa iyo at masiguro ang integridad ng impormasyong iyon. |
|||||||||||||||||||||||||||
Nakadepende rin sa iyo ang pag-iingat at seguridad sa iyong impormasyon. Kapag binigyan ka namin (o kung saan ang iyong pinili) ang isang password para sa pag-access sa ilang mga bahagi ng aming Website, responsibilidad mong ingatan ang pagiging kumpidensiyal ng password na iyon. Hinihimok ka naming huwag sabihin sa iba ang password. Mangyaring tandaan na i-log off ang iyong account at isara ang browser windows kapag tapos ka nang bumisita sa website. Ito ay upang masiguro na hindi maa-access ng iba ang iyong account, lalo na kapag may iba ring gumagamit ng computer o gumagamit ka ng isang computer sa pampublikong lugar. Dapat isaisip ng mga user ng internet kung paano nila maiingatan at ihahayag ang kanilang Personal na Impormasyon. Ang User Generated Content at iba pang impormasyong ibinabahagi mo sa publiko ay maaaring makita ng ibang user sa Website. |
|||||||||||||||||||||||||||
Sa kasamaang-palad, ang paglilipat ng impormasyon sa pamamagitan ng internet ay hindi gaanong ligtas. Kahit na ginagawa namin ang aming buong makakaya sa pag-iingat sa iyong Personal na Impormasyon, hindi namin maipapangako ang kaligtasan ng iyong Personal na Impormasyong ipinapadala sa aming Website o hindi maaaring madaig ng mga di-awtorisadong third party ang aming pamamaraang panseguridad o paggamit ng pribadong Personal na Impormasyon sa maling mga layunin. Nasa iyong kamay ang pagpapadala ng Personal na Impormasyon. Hindi kami responsable sa anumang pandaraya sa privacy settings o mga pamamaraang panseguridad na nasa Website. Mangyaring tingnan ang website ng Federal Trade Commission para sa impormasyon tungkol sa kung paano poprotektahan ang iyong sarili laban sa identity theft. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Third Party Website & Advertising |
|||||||||||||||||||||||||||
Nag-aapply lamang ang Privacy Notice na ito sa impormasyong kinokolekta ng BibleProject. Maaari kaming magbigay ng mga link sa mga third party website sa aming Website bilang bahagi ng aming serbisyo sa aming mga user, ngunit wala kaming kontrol, at hindi kami responsable sa koleksyon ng privacy at data, paggamit, at mga kaugalian sa paghahayag ng mga third party website. Kapag pinindot mo ang mga link para dalhin kayo sa ibang mga external website, nasa ilalim ka na ng kanilang mga privacy notice at hindi sa amin. Hinihimok ka naming suriin at unawain ang mga privacy notice ng mga website na iyon bago magbigay ng anumang impormasyon sa kanila. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Tuntunin sa Paggamit |
|||||||||||||||||||||||||||
Sakop ng Mga Tuntunin sa Paggamit ng Website na ito ang lahat ng bagay na nasa ilalim ng Privacy Notice na ito. Hinihimok ka naming maging pamilyar sa aming Mga Tuntunin sa Paggamit. |
|||||||||||||||||||||||||||
Mga Pagbabago sa Aming Privacy Policy |
|||||||||||||||||||||||||||
Maaari naming baguhin ang Privacy Notice na ito sa paminsan-minsan upang masiguro ang katiyakan nito. Kung gumawa kami ng mga pagbabago, ang binagong notice ay ilalagay sa pahinang ito. Ang patuloy mong paggamit ng aming Website at iba pang mga serbisyo pagkatapos na mailagay ang mga pagbabago sa Privacy Notice na ito ay nangangahulugang tinatanggap mo ang mga pagbabagong ito. Sa ilang mga pagkakataon, maaari naming subukang makipag-ugnayan sa iyo gamit ang contact information na iyong ibinigay, upang mabigyan ka ng mga pagpipilian tungkol sa paggamit namin ng iyong impormasyon na iba noong kinolekta namin iyon. Mangyaring suriin muli ito nang madalas, lalo na kapag bago ka magbigay sa amin ng Personal na Impormasyon, upang matukoy ang kasalukuyang sakop ng notice. |
|||||||||||||||||||||||||||
Di-awtorisadong Paggamit |
|||||||||||||||||||||||||||
Kung may nalaman kang anumang hindi awtorisadong pagpasa ng impormasyon sa BibleProject, kasama na ang impormasyon ng mga bata, mangyaring ipagbigay-alam ito sa amin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnauyan sa amin sa contact information na nakalista sa ibaba para matanggal namin ang mga iyon. |
|||||||||||||||||||||||||||
Contact Information |
|||||||||||||||||||||||||||
Upang magamit ang alinman sa iyong mga karapatan sa iyong Personal na Impormasyon, maaari kang magtanong tungkol sa aming pagkolekta at paggamit ng iyong Personal na Impormasyon o magkomento tungkol sa Privacy Notice na ito at sa aming mga kaugalian sa privacy, makipag-ugnayan sa amin sa: |
|||||||||||||||||||||||||||
Telepono: (855) 700-9109 |
|||||||||||||||||||||||||||
E-mail: webmaster@bibleproject.com |