Ang aming misyon ay tulungan kayo na maranasan ang Biblia bilang isang malaking kwento na nagpapakilala kay Jesus.
Mga Video
Ano ang BibleProject

Ang BibleProject ay organisasyon sa United States na umaasa sa mga donasyon at hindi ito negosyo. Lumilikha kami ng mga gamit sa pag-aaral para tulungan kayo na maranasan ang Biblia bilang isang-buong kwento na nagpapakilala kay Jesus. Layunin namin na gawing mas malinaw at madaling maintindihan ang mahihirap na ideya sa Biblia para sa mga tao na talagang gustong pag-aralan ang Biblia. Ginagawa namin ang lahat ng ito para sa lahat ng simbahan sa buong mundo, at kahit nagmula sa iba’t ibang tradisyon ang aming mga scholars, nagkakaisa sila sa hangarin na maranasan ng mas maraming tao ang buong kwento ng Biblia.
Nagsimula ang aming kwento noong 2014 sa dalawang magkaibigan na sina Dr. Tim Mackie at Jon Collins. Pinagsama nila ang biblical scholarship at visual na pagkukwento para lumikha ng mga libreng videos sa English na nakakatulong sa mga tao na maintindihan ang Biblia. Mula noon, lumago na ang organisasyon sa mahigit na 140 na tao, at sa tulong ng mga eksperto sa likas nilang wika at mga lokal na grupo sa buong mundo, nakagawa na kami ng napakaraming videos sa mahigit na 50 wika at dayalekto. Alamin ang paraan namin sa pag-aaral ng mga banal na Kasulatan dito.
Lahat ng likha namin ay libre dahil sa ating komunidad ng mga mapagbigay na taga-suporta kagaya mo.